
dated: march 19, 2009
-----------------------
25 flowers bloomed,
25 wishes came true...
but mine...
25 days without you...

free... happy...
moving forward....
Currently feeling: okay

if i decided to cross the bridge... etoh ang sasabihin ko sayo... everything was planned... the setting was at a restaurant... dinner with friends... days before i will go to manila for my summer class...
then we would steal a moment away from the barkada... sa labas nung restaurant...
----------------------------
hindi ko sasabihin ito para magpagulo ng isip mo... hindi ko sasabihin ito para magpapansin sayo... at higit sa lahat, hindi ko sasabihin ito para saktan ka...
gusto kong sabihin sayo ito dahil gusto ko nang magpatuloy... ipagpatuloy ang buhay ko... ang kaligayahan ko... ayoko nang nakikita akong nasasaktan... hindi ko na kaya...
hindi ko na alam ang gagawin ko tuwing nakikita at nararamdaman ko ito... hindi na tama na ganito pa ang maramdaman ko... alam kong huli na ang lahat para sabihin sayo ito...
ni minsan ba nahalata o nakita mo?... ni minsan naramdaman mo rin ba na pwede pang mashigit sa pagkakaibigan ang ating relasyon?... ni minsan ba?... kahit sandali lang?...
"sana ako na lang ang mahalin mo..." oo, sana tayo na lang... tinotoo na sana natin ang ating pagkukunwari... ang ating laro...
everything was anticipated, un ang lagi kong sinasabi sa sarili ko dahil totoo naman... nakita ko na ito noon pa... sabi ko sa sarili ko noon na hindi ako pwedeng mahulog sayo... hindi ako mahuhulog sayo dahil nakita ko kung paano ang reaksyon mo sa mga babaeng nahuhulog sayo... hindi ko napigilan... unti-unti mo akong hinihila... hanggang sa tuluyang nahulog na ako... but you were never there to catch me... nabagok ang ulo ko sa pagkakahulog na iyon... isang katotohanan na matagal ko nang nakita... walang chance na magiging tayo kahit na naghangad ako ng malaking pag-asa...
it was hurtful knowing from you the fact na kapag nagtapat sayo ang isang friend e hindi mo tatanggapin... na you would rather save the friendship...
sa tingin mo, kung sinabi ko sayo ito noon pa, may pag-asa?...
i did try to let go... marami ng beses... but it just keeps coming back... siguro kasi hindi ko pa talaga nasasabi sayo ng tuluyan at hindi ako mapalagay kung sa anu man ang magiging reaksyon mo at sasabihin mo... kung katulad din ba sa iba?...
-sigh- ayoko na... tama na... masyado na akong nasaktan... don't feel sorry for me, it was my fault anyway... kagagawan ko ito sa sarili ko... gusto ko lang ngayon na malaman mo ang nararamdaman ko sayo... at this moment, i'm trying to move forward with my love... salamat... maraming salamat at dumating ka... sorry kasi you have to feel this way... huwag ka mag-alala, ayos na ako... pinaghandaan ko na ito...
sana after this, our relationship will still be the same... walang magbabago... you'll still be the same raul and i'll still be the eych na nakilala mo... the same friendship that you always showed to me... and now, since it's said and done, let's just pretend that nothing happened here tonight... pagharap ulit natin sa ating mga kaibigan e normal pa rin, balik sa dati... let's just forget that we had this conversation...
----------------------------------
kung nabasa mo man ito... it's either you'll hate me and stay away from me or you'll just forget and pretend nothing happened... but i'll go for forgetting this happened... sana kapag nagkita tayo after you read this ay normal pa rin... walang pagbabago... ganun pa rin ung relationship natin... ok?...
at kung nabasa mo man ito, i want to hear your side... ung reaksyon mo... ung mga sasabihin mo... it does matter...
---------------------------------
i am brave enough to mention your name here na dapat matagal ko ng ginawa... kasi naman handa na nga ako para sabihin at ipagtapat sayo e... one-on-one pa nga dapat yan e... harapan... pero hindi ko na kaya dahil alam kong may nagmamay-ari na ng puso mo at masaya ka na... it would be too hard for me to just let go...
THANK YOU... BECAUSE FINALLY, I'M FREE FROM YOU... FOR REAL!...
